Seven….

May 13, 2005

Seven days to go…, yeah seven days to go, seven days to go…
I can’t sleep and feeling lousy. I think I’ll mix some coffee……


Kape

Kung nais mong magising at magkaroon muli ng silbi
Sige lang huwag kang tamad magtimpla ka ng kape
Ikaw’y magiging masigla, mata’y nakadilat hanggang gabi
Dugo’y sisilakbo’ng parang nakakita ng hubad na babae/lalake

Ngunit maghinay-hinay ka sa iyong bawat paghigop
Hindi naman siya mas mabisa kung madali mong naubos
Dahil kapag sobrang init ang nguso mo’y mapapatiklop
Kaya’t hipan hipan mo lang at namnamin ng lubos

Ngayong nagising ka na ay ipagpatuloy mong gawin
Iyang trabaho mong kanina mo pa yata binibinbin
Anuman yang suliranin mo’y huwag mo nang pagkaisipin
‘Pag nasanay ka’y, ganyan ka na hanggang sa maubos ang ngipin


Traffic Jammed….

May 12, 2005

Sometimes, if you’re stucked up in a traffic jam, you simply can’t do anything but entertain some nonsense thoughts. This morning, I tried to make sense out of the traffic jam but can’t. Managed to compose a small poem like what I like to do in high school, I didn’t improve actually, its still nonsense but rhymes…..


Trapik

Maagang gumising’t iniwan ang unan
Ngayong araw na ‘to ibang pupuntahan
Naku makulimlim tikatik ang ulan
Ako’y magta-taksi payong ay iiwan

Di gano’n kaigi ang aking sinapit
Ang paglalakbay ko’y sa trapik naipit
Mahusay mang tsuper ‘di makakasingit
Maghintay na lamang, h’wag ng magpumilit

Mga produkto ng, tekniko’t impormasyon
Ako ay tutungo, sa ‘sang presentasyon
Lakbay ay mabagal palusong ma’t paahon
Kapara ng buhay na ba’gyang nilason

Sa pag-iisip ko ng pwede kong gawin
May nabuong tula, nakalutang sa hangin
Nais kong itala anong gagamitin
Panulat ko pala’y naiwan sa amin

Takbo ng buhay mo kung pag-iisipan
Pwede ring ma-trapik sa mahabang daan
Kung maratay ako sa gan’tong kalagayan
Ang katinuan ko’y ‘wag sanang lumisan

Kung papalarin din’g tulin ay bumalik
H’wag sanang malasin’t sasakya’y tumirik
Sa pupuntahan ko’y muling mananabik
H’wag lang ang bagot ko’y mapunta sa hilik

Hayan nga hayan nga’t nadaramang muli
Animo’y kabayong hinaplit sa pigi
Ang pagka-antala’y kung ‘di man mabawi
Natutuwa na rin’g may ngiti sa labi

Anupa’t narating ang patutunguhan
Ang eksaktong silid, kagyat inukulan
Humihingal wari’ng nakipaghabulan
Huli man sa oras ay umabot naman

Agad nagpatala’t meron’g nanghaharang
Ang listahan nila’y, marami pang kulang
Naantalang byahe’y natanggap kay gaang
‘Pagkat ang nahuli ay hindi ako lang

Wikang pilosopo, buhay daw ng tao
Ay isang paglalakbay ‘di tiyak sa’n tungo
Hindi mahalaga anuman ang dulo
Damhin bawat saglit kahit sa trapiko


Happy Mother’s Day

May 8, 2005

Happy Mothers day to all mothers, hot or not, sexy or not, big momma or not …..

This small poem is specially dedicated to my late mother and grandmother…
(some thoughts are quite hard to share….
the The Green Man told me, accepting is better than forgetting….
hey, I’m fine……)


Nanay

Tayo ay nandito dahil sa nagluwal
Noo’y walang muwang at wala ring sal’wal
Unang ituturo’y kagandahang asal
Magandang bukas mo’y laging idarasal

Unang nagtatanggol kahit hindi api
Sa murang gulang mo’y lagi sa ‘yong tabi
Laging nakamasid araw man o gabi
Nakagabay sa ‘yo kahit sa pagdumi

Sa bawat daing mo handa siyang makinig
Masiglang ngiti mo siya’y kinikilig
Sa bawat hiling mo’y hindi nanlalamig
Munting tagumpay mo ay kaibig-ibig

Sa kagat ng lamok ay nababalisa
Sa munti mong iyak ay natataranta
‘la-anghel mong mukha, pinakamaganda
Munti mong halakhak, pinakamasaya

Ga’no man kahaba ay kayang sikapin
Na dugtungan itong handog na tulain
Kaya bang mabaybay ang dakilang angkin?
Wagas na pag-ibig ng nagluwal sa ‘tin


A Friend’s Blog

May 5, 2005

Check-out my friend’s blog..

http://www.kapehan.blogspot.com/

http://www.kapehan.blogspot.com/

http://www.kapehan.blogspot.com/