Ohh, you too buying TOTO huh?

June 27, 2005

Any piece of anything when shared, can sometimes strike a chord in your heart that can vibrate a common sound with the person sharing it. It’s not merely about compassion towards oneself, or unsolicited eureka that your not alone, just like listening to a music or staring to a painting, it can evoke some feelings you don’t know existed inside. And before you knew it, you learned a bit about yourself….

– translated friend’s poem –

Dam’hin Mo Ako

Ikaw ay minasdan’t aking napagtanto
Damdaming maaalab, nagaalburuto
Lahat ng ‘yong hapis at mga siphayo
Akin din nadama’t sa puso’y tumimo

Aking sinubukan dangan nga’t nabigo
Na ang lahat ng ‘yon’y, ingata’t matago
Aking pagmumukha’y inaral mo’ng anyo
Ikaw’y naghahanap ng amoy mabaho

Sa ‘yo at magwagi, sarili mong laban
Batid kong labi ko’y ano’t naubusan
Ng anumang bagay na pwede kong turan
Upang lahat ng ‘to’y anupa’t lumisan

Ikaw’y natameme’t nalipol ang dila
Parang nasunugan’t ‘di ‘lam pang-apula
Pero ang tangi kong sayo’y mawiwika
Kahit anong tono ‘kaw naman’y magsalita

This way to her house clutterd with good thoughts….


Long Q….

June 17, 2005

I have a dream and I wish this to happen, …. hmmn yeah, I want to drive to Bagiuo, I want to drive to Bicol, I want to drive to Batangas, then I will swim to the beach. I’ll bring you all there, promise…. but please, let me drive……


Pila sa LTO

Ay heto na naman nga, aking nararanasan
Ito po’ng pagkainip naku ano ba iyan?
Ang pinipilahan ko’y para sa katibayan
At maging lihitimong magmaneho sa daan

Ayan nga! At kay dami ng mga taong ire
Ang iba’y nakangiwi, may mukhang natatae
Meron din nakangisi, may mukhang nakadale
Karamiha’y lalaksot iilan ang babae

Ako ay naiinip heto nga’t nagmumukmok
At pasimpleng nagti-teks nandito sa ‘sang sulok
Ang aking telepono kahit luma at bulok
Kapag ito’y nahablot ay may munti rin dagok

‘Tong lumang papeles ko, sa pagka-estudyante
Ang petsa ay lumipas ang bisa ay napundi
‘Di makakaratsada, sa labas ng garahe
Lalo’t kung batas nati’y tutupdin kong maigi

Bagama’t may hiwaga akong naririnig
Madali raw makamit ang lisensyang ibig
Kung kahit balakyot ay makikipagniig
Sa iyo ay padulas sila’ng bahala sa bisig

Nais ngang masubukan, aysus! at may problema
Itong napundi’ng petsa ay hindi raw uubra
Kaya nga’t kamot-singit do’n sa dulo ng pila
Titiisin ang uhaw at kislot ng bituka

Mabuti’t sinamahan ng butihing mag-ama (Uuh Pedo at Tita Dok)
Kaya kahit paano’y ako ay matino pa
Hindi na ako sanay kapag walang kahunta
At nakaunat-tuhod sa liku-likong pila

Araw nga’y di lumipas, aking naulinigan
Ang buong pangalan ko’y ipinagsisigawan
Maghanda na ng kuwalta at mayro’ng babayaran
Napangisi rin ako’t, dusa ay may hangganan

Wika ng matatanda ang asal na magngitngit
Sa halip na maghintay ay di wastong kapalit
Ang ‘yong tamang panahon h’wag bigyan ng palugit
‘Pagkat takda mo’ng oras ‘yan ay pihong sasapit

– may 26 2005 –


To Tita A (old poem)

June 15, 2005

This is an old poem that I composed as a reply to Tita A’s dramatic goodbye email. I want to post the actual email and replies but I’m too lazy to ask permission….


Para kay Tita A

alisin ang pangambang ‘kaw’y malimutan
gayung batid namin ang taglay mong yaman
sakali’t maghanap ng mauutangan
asahan’t darating sa iyong kandungan

malabis ang tuwa sa iyong pag-alis (ha ha ha)
upang madaliin pinakain sa breeks
pero ang totoo kami ay may hapis
kung ngumingiti man, may luhang manipis

ang aming habilin sa iyo katoto
sa iyong pagsulong ingatan ang ulo
‘pag ‘yan lumaki naku sigurado
sa ganda mong taglay di babagay sa yo

maraming salamat sa tuwang ‘dinulot
kahit nga kung minsan’y di ka sumisipot
anumang okasyon di ipagdadamot
aming imbitasyon’y laging iaabot

– april 27, 2004 –