i don’t mind you break my heart…..
August 27, 2006This is the playroom, but is actually toys’ room, you know we can’t keep them in here when they’re really playing. Yes of course cycling is not counted, and the older boy is starting to learn some dangerous stunts and so innocently proud to show it off.
At the end of the day all these toys which are mostly gifts from friends will be dumped here. They will be in different conditions from barely touch to badly broken or irreparable. Well, I love fixing broken toys maybe just to show to the house that I’m a bit of a handyman, but they can really break toys faster than I could fixed it. More to say but yeah, I heard you, kids will be kids…….
…but i’ll be glad to know that you enjoyed it…
SA PAGLALARO NG MGA LARUANG NILALARO
Mas nakakatuwa nga ba na ang mga laruan ay maingatan na laging bago
Kumpara naman sa sa kagagamit eh nagkadurog-durog na ang mga ito
Sa pagdaraan ng mga panahon, ano nga bang inaasahan mong silbi ng iyong mga laruan
Sige nga at kapain mo kung anong halaga ng mga ito sa kinabukasan
Kung mga bago at makikinis ay kaibig-ibig at sa mga mata’y nakakabusog
Ngunit kapag kinatasan mo na ng saya at sigla ay magkakalasug-lasog
Kung madalas kang bumibili, namamatay ang pag-irog
Kapag losyang naman sa kalumaan, humuhupa rin ang libog
Sa palaruang silid nitong makukulit na dalawang supling
Naku, yaong mga sari-saring laruan sa tuwing aming iimisin
Nandoon’g bakli-bakli, may mga nayakyak at may mga di man lang nasaling
May mga sulit na sulit na ilan na bukas ay muling hahanapin
Kung anuman at sa paglalaro ng mga laruang nilalaro
At sa kanilang katuwaan o kasiyahan ay naging marungis pati baro
Bagsak dito bagsak doon at nagasgas pa nga pati nguso
Marahil nga, ang halaga ay nasa mga alaala at karanasang mauukit sa puso
Posted by ala-eh-blog