i don’t mind you break my heart…..
This is the playroom, but is actually toys’ room, you know we can’t keep them in here when they’re really playing. Yes of course cycling is not counted, and the older boy is starting to learn some dangerous stunts and so innocently proud to show it off.
At the end of the day all these toys which are mostly gifts from friends will be dumped here. They will be in different conditions from barely touch to badly broken or irreparable. Well, I love fixing broken toys maybe just to show to the house that I’m a bit of a handyman, but they can really break toys faster than I could fixed it. More to say but yeah, I heard you, kids will be kids…….
…but i’ll be glad to know that you enjoyed it…
SA PAGLALARO NG MGA LARUANG NILALARO
Mas nakakatuwa nga ba na ang mga laruan ay maingatan na laging bago
Kumpara naman sa sa kagagamit eh nagkadurog-durog na ang mga ito
Sa pagdaraan ng mga panahon, ano nga bang inaasahan mong silbi ng iyong mga laruan
Sige nga at kapain mo kung anong halaga ng mga ito sa kinabukasan
Kung mga bago at makikinis ay kaibig-ibig at sa mga mata’y nakakabusog
Ngunit kapag kinatasan mo na ng saya at sigla ay magkakalasug-lasog
Kung madalas kang bumibili, namamatay ang pag-irog
Kapag losyang naman sa kalumaan, humuhupa rin ang libog
Sa palaruang silid nitong makukulit na dalawang supling
Naku, yaong mga sari-saring laruan sa tuwing aming iimisin
Nandoon’g bakli-bakli, may mga nayakyak at may mga di man lang nasaling
May mga sulit na sulit na ilan na bukas ay muling hahanapin
Kung anuman at sa paglalaro ng mga laruang nilalaro
At sa kanilang katuwaan o kasiyahan ay naging marungis pati baro
Bagsak dito bagsak doon at nagasgas pa nga pati nguso
Marahil nga, ang halaga ay nasa mga alaala at karanasang mauukit sa puso
August 31st, 2006 at 6:37 am
wow tsong lalim…
bigla tuloy akong napatanto noong uhuging bata pa ako…
mga laraun ko’y estates-side
puro hi-tech na di-baterya
pero isang hawak ko lang sila’y napupulbos na parang tsipangga
sa inis ng aking tatay mga laraun ko’y kinulong sa istante
ang sulosyon ni nanay?
mga plastic na kotse galing sa palengke
w0rd.
September 1st, 2006 at 7:01 am
ha ha ha, hataw….
iniisip ko tuloy kung sinong pumanglaw,
‘yong nakulong na laruan ba o ikaw…
ha ha, parekoy, maraming salamat sa dalaw…
September 27th, 2006 at 2:12 am
I remember nung mga bata pa tayo wala yata tayong laruan.
Kaya ngayon pabayaan mo lang. let them enjoy.
Di ba that’s why you work so hard para mapasaya sila at pati kami. hehehe.
Send mo naman mga pictures nyo dyan.
October 2nd, 2006 at 10:42 am
Lagi kong naaalala yung laruan kong pagilong na ginawa ni Amapo, yabang ko no’n dahil ako ang may pinakamalaking gulong sa lahat… pero pinakanami-miss ko eh magpalipad ng bulador (saranggola), everytime na naghihinuko ako eh naaalala ko yung natuklap kong kuko sa hinlalaki dahil sa tuod ng kalamansi… tsk, tsk… sakit kaya…