…will you remember my birthday even if I stop counting them?…
We love to celebrate birthdays. Particulary here in my office with more than ten filipino buddies, here’s what to expect if your birthday is coming.
- You will keep quite and wishing nobody will bring up any topic about birthdays.
- Someone will suddenly ask you, "So, how much is your budget?".
- You’ will not be surprised because you’ve been thinking for this.
- If you’re a bit slow to say your amount, the food list will be given to you. That will help you decide on the "how much?".
- You’ll recieve a cc e-mail inviting all the ten-plus filipinos in the office
- Another e-mail will be sent without your knowing asking who will contribute for the birthday gift(s).
- You will be tempted to give them a hint of what you want for your birthday gift.
- A birthday card will be passed around (you will ignore it when you notice it) for a short birthday greetings, all of those will somehow sound the same and you know it.
- On your birthday, everybody will come except for those who didn’t contribute. You will be obliged to open the gift and the card will be passed around one more time. Depending on the mood, they will make fun of the gift, greetings, and everything. It’s quite fun with all the expected jokes, laughter, feasting, teasing and of course the planning for the next celebrant. New guys will be asked when is his/her birthday.
- Then you give your money but don’t worry it will be almost the same amount as of your gift+cards+wrappers+taxi fare.
You see, if your the celebrant, nothing to worry, just assume you’ll be buying some gifts for yourself. They will do it for you.
Of course there’s a lot of exceptions on this list…. hmmn yeah, I just made this up.
-
-
This poem was composed and sent out as an e-mail invitation….
PARA KAY LANIE
‘kaw ba’y nasasabik magngasab ng palabok
ihanda ang ‘yong panga, ‘wag hintayin ang alok
sundan lang amoy, at sa pinto’y pumasok
lapain ang handa habang umuusok
‘di ko lubos na alam kung ano ang bam-i
ang sabi ni Maria’y pansit ang ka-klase
huwag na lang itanong kain lang ng marami
subo lang ng subo hanggang sa mata__
uy huwag ka’t class ito at may burger din daw
sa konting ambag mo’y di ka magnanakaw
‘di dapat mahiyang masabing matakaw
kung mauutot kay sabayan mo ng sigaw
at meron din pork na nakasanayan na
kung ano ang luto’y itatanong ko pa
inihaw, adobo, ay kahit ano pa
makisalo tayo, bumati’t magsaya
ngayong busog ka na’y t’saka mo tanungin
ang naghatid nitong malinamnam na hain
dinig ko’y kaarawang ‘pagdiriwang natin
maganda’t mabining kapamilya natin
‘lang taon ka na ba’t hindi mahalata
sa aming paningin ikaw’y batang-bata
may dal’wa ng supling ni walang mag-akala
Mama Hapi Birtdey!! Ikaw daw ang taya
— 2005 —
Pang-asar on birthday card…
KAY ROLAN
sa kaarawan mo, sana ‘kaw’y malasing
upang kahit ’sang araw ay di mo mapansin
’santaon na naman mabilis na humaging
dagdag sa edad mong bumagal bilangin
— 2005 —
Pang-asar on birthday card…
SI MAKISIG
pinakamagaling sa luntiang paksa
dahil kay tagal nang namalagi sa lupa
sa edad kung nais n’yong tumama ‘ng ‘yong hula
apat na dekada, dun ka magsimula
binatang-binata sa tikas at tindig
medyo lang pihikan’t hindi mapaibig
malakas, matipuno, matigas ang bisig
mabait huwag mailang, ganyan si makisig
— 2006 —
Composed for this entry…
HAPPY BIRTHDAY HERMES
ipagpaumanhin aming kabiguan
ang ‘yong paanyaya’y ‘di mapaunlakan
pagbili ng regalo’y di rin maukulan
huwag sanang isiping puro lang dahilan
hangad namin sa ‘yo’y lahat ng magagaling
pakasaya kayo’t ‘yan ay iyong piging
balewalain mo, mga ‘di nakarating
hamo’t sa susunod tayo’y maglalasing
— 2006 —
September 18th, 2006 at 7:51 am
Kahit na nabasa ko na ang mga tulang yan, natawa pa rin ako… Pero mas natawa ako sa listahan mo, tu-tut na tutot
September 19th, 2006 at 7:46 am
Kayo po ay aking naiintindihan, kabayan!
Di bale sa susunod na may handaan
Kayo ay ulit kong iimbitahan
Dahil malapit lang naman at ating mga tahanan…
ano ba yan…iba pa din mga tula mo makatang edwin… cge salamat po ng marami…
September 19th, 2006 at 4:29 pm
Yen, nami-miss ko na rin nga yung sabay-sabay tayong nagla-lunch dun sa conference room…
Hermes, maraming salamat at makakarating tayo dyan sa susunod, makatang Hermes ipagpatuloy mo lang yan.