When you notice that your bus is going to the wrong direction,…
October 21, 2006…and moving not to your planned destination, how would you intend to jump outside and make it right? Some people have the power to anyhow push themselves out, touch smoothly on the ground and happily take another ride. Unlucky ones can easily break some bones, or their neck, or maybe split their skull into some pieces. Others will just sit back and will try to enjoy the ride.
When you know where you’re going and your car is moving to opposite direction, you have a bigger problem. And if - you know what you want and you’re walking to the wrong path,… tsk tsk, este ha ha ha, come let’s laugh and cry at the same time, somehow, whatever we do will make sense… lol.
UMAYOS KA
heto’t naghihintay ng tamang sasakyan
upang makarating sa nais puntahan
unang iiwasan’y maaliw ang isipan
’pag nalibang ako’y, baka malagpasan
saan man nandoon, h’wag kasisiguro
ang wastong direksiyon ay intindihin mo
kung mapasakay ka’t sa mali ang tungo
pards maiiling ka sa kata***han mo
sino bang me sabing di makakarating
huli man sa oras basta’t pipilitin
ngunit kung katipan mo’y isang mainipin
hala ka, sige ka’t magt’yaga ka sa hangin
hoy, nangingiti ka at meron kang kotse
kung maligaw ka man ay hindi na bale
alam mong lipana aksidente sa kalye
ngunit bihasa ka’t di ka madadale
natatandaan ko ’sang payong-kumpare
isa-isip ang mapa’t h’wag sige ng sige
’pag nasumpungan mo’y mga hamlas at bwitre
baka masambit mo’y buti pang namasahe
sino bang me sabing maiipon ang oras
gayong bawat saglit ‘to’y kusang nalalagas
byahe ng buhay mo’y di piho ang wakas
namnaming mabuti bago ka mautas
…’nak nang… bus ko ‘yon ah…
Posted by ala-eh-blog