doc, my tail is getting shorter…

I went to the doctor the other day and paid him some money for his advice. I knew all those things  myself but I must pay someone else to tell me before I can pay attention. Classics! We talked for 10 mins and this is what he said, "Cut down on or avoid your favorite foods, eat more of those you don’t like and do a favor to kick your ass out of your bed to break some sweat early in the morning, at least four times a week. Come back two weeks later and pay me again." So simple, yeah so easy….

    HIGHBLOOD


    ‘ngapal aking noot masakit ang batok
    ‘yamutin at pikon, nais na manuntok
    mabigat ang kilay, hindi naman antok
    ‘punta ka nga sa klinik mariin n’yang alok

    pinisil nang pinisil kanyang instrumento
    at may sumasakal, sa masebo kong braso
    akoy tinitigan’t, ‘Ikaw ba’y nahihilo?’
    Ay bakit po dok, ‘eh hayblad ka hijo’

    hahaba pa naman ang angkin mong buhay
    ‘kaw’y mag-ehersisyo’t h’wag tatamlay-tamlay
    damihan ang prutas, lumamon ng gulay
    uy hwag kang malungkot at ‘di ka pa patay

    kay agang gumising no’ng kinabukasan
    magdya-jogging ako sa parkeng takbuhan
    nawa’y maraming tsiks, t’ako’y gaganahan
    puro yata highblood rin, iba’y luyloy ang t’yan

    ngayon ang panata na pagsusumikapan
    subo’y bibilangin, pagod oorasan
    paboritong pagkaing lahat maiinam
    babawasan upang hininga’y madagdagan

…. haaay batok.



2 Responses to “doc, my tail is getting shorter…”

  1.   coolmel Says:

    here’s a better LONG-TERM solution :) ingat palagi.

    http://books.zaadz.com/534/body_for_life/by_bill_phillips

  2.   Edwin Says:

    salamat parekoy, nabili ko yata yang book na yan nung ni-review mo yung AbSolution na book… ‘kala ko eh ‘patong ko lang sa t’yan eh titigas na ‘tong ano ko, mahanap nga…

Leave a Reply