…tomorrow, promise…
I don’t know why either of these home-cooked food is always on our next meal everytime I plan to cut down on my food intake:
- Arroz-Caldo
- Chicken Tinola
- Chicken/Pork Adobo
- Pork Paksiw
- Litson Paksiw
- Pork Sinigang
- Ginisang Balatong na may sotanghon
- Roasted whole Chicken stuffed w/ tomatoes and onions
- Beef Caldereta or Mechado
- Beef Nilaga
- Ginisang Bagoong
- Ginisang gulay with pritong dilis
And for dessert, we normally have:
- Cassava cake
- Yema
- Minatamis na saging na saba
- Dilang pusa (ha ha do you know this?)
- Fruit/buko salad
- Buko pandan
- Leche flan
- Nilupak/niyubak na cassava (missed ko na rin nilupak na sinigwelas)
- Dinildil (banana)
- Palitaw
The list can go very long, and oh yah, I don’t want to say they’re all my favourites but all of those can easily get me to eating more damakmaks of rice. And of course they all come with free flow of my hometown’s kapeng barako (strong coffe).
Okey nevermind, I promise that starting tomorrow, I’ll start my abs hardening diet and exercise. Oh I can hear you LOL. Eh,… did you say "ulol"?
ANG BILBIL
Balumbon ng taba’ng kainis nakatapal
masarap na pagkain’y siyang nagpapakapal
bukas magda-diet laging inuusal
ala-eh gawin mo at h’wag puro dasal
Nangapal na sebo’ng mahahawakan mo
ang likas mong hubog nabago’ng disenyo
maanyo mong hugis nabalot ng ano
iyan ba’y malusog o tamlay na lobo
Ang kalusugan daw ay ’sang kayamanan
Syempre kung mahubog ay lalong mainam
wastong pagtitimpi sa ‘yong katakawan’t
tamang ehersisyo ang iyong puhunan
Ngunit bakit nga ba ‘daming nagnanais
wastong kalusugan at magandang hugis
iba nga’y nagtitiis ng gutom at pawis
hangad ay hangaan’t pansin’g labis-labis
Ngunit h’wag dibdibin aking kaibigan
pulupot ng bilbil sa ‘yong tagiliran
dapat ayusin mo’y buong katauhan’t
h’wag kang marahuyo sa panlabas lamang
July 18th, 2008 at 9:40 am
Meron ako nyan, tinatago ko laang…
July 21st, 2008 at 10:49 am
ha ha ha, ako tinatago ko rin pero kita pa rin…